Unexpected. Eto yung word na sakto sa nangyayari pag alang plano. Isang tinginan lang among your friends, kindatan, sabihan ng "tara", ayun, batsi na. Go na agad kung saan man naisipang pumunta. Gawi na agad kung anu napagkasunduang gawin. Hehe alang expectations, kaya alang frustrations. Every moment seems like a fruitful, meaningful one. Tawanan, kwentuhan, gawa nito, gawa nun. Ayun, at the end of the day, as you try to look back, wow, dami palang nagawa. Naging hectic pala schedule mo. Kasi nga, alang limitations na naghihinder sa creativity at, well, sa mga pwedeng gawin at kung kanino o saan.
Gaya nung nainvite ako ng mama ni idol_john2x sa Barangay Mabuhay, Bulusan kasi nga Fiesta sa kanila. July 24, 2008 at about 10AM nung mag toot-toot an CP ko. It was just a number. So ask ako kung sino, natawa xa. Si Madam pala, yung binati ko ng happy fiesta. Gamit nya 2nd CP nya. Ini-invite nya ako pumunta dun sa kanila, Mabuhay, Bulusan.. Hehehe
Pero sa totoo lang, gusto naman talaga naming pumunta ni Jade dun kasi miz na namin barkadang tunay namin. Etong invitation na 'to ang mas lalung nakapagpawala samin ng chance na wag pumunta. Auz talaga. Galing gumawa ng paraan ni God (isa pa sa mga very close friends nameng tatlo). Yung 2-day stay namen dun, wow, we were treated like family. Sarap di ba pag ganito ang treatment at sitwasyon. Di lang kapamilya, kapuso pa, pang sports pa. Nyaaay... Mula Biernes ng late afternoon of July 25 hanggang Sunday ng 10AM kami dun. It was a fun-filled, hectic stay. Sulit nga eh! Da bes!
Eto pa.. Mantakin mo, lamig ng tubig dun sa Bulusan. Wowowee! Mapapalundag ka pag naliligo ka. Hekhekhek! Eh, ako pa naman, pag gising ko automatic yan na proceed agad sa banyo xempre para umebak muna (nyaaayy) tas maligo. Siyeeet! Unang buhos ng tubig sa pwet ko, napagiggle ako. Imaginin mo na nung maliligo na ako. Lahat ng parte ng bowdee ko, nag shake... yaaawww! Lamig pero enjoy maligo. Lakas ng tubig tas wow feeling mo nasa iceland... hahahaha
Nung gabi ng Biernes,
una naming ginawa yung pagpunta dun sa Dancalan beach -- mga banda 8PM para magtoma with Perlits, Idol_john2x at Jade. Surprisingly, sumama yung isa pa na barkada yata yun ni Perlits. (How sweet u naman perlits... hahaha tanda ko pa to perlits video) Tas, pina-fetch din si g.F kay idol para naman magkakila-kilala kami. Tas nung hinatid na uli, alangjah, dumating sina Ramon ng beatboiz na para bagang may nangha-hunting sa kanila and they were seeking refuge samin. hehehe exciting talaga..
Mga bandang 11:30PM na nung nagyaya si Jade na bumalik na sa haus. Pagdating dun, habang nagkukwentuhan kami, auz, lumapit si Ninong, yung isa sa mga benefactors ni idol_john2x. Namumrublema kasi alang mainvite na iba pang judges dun sa First ShowDance nila the following day. Hekhek As boyscouts as we are, nyaaay, ayun, nag suggest si idol na si idol_jon2x na lang ang pangalawang judge. Hahaha, huh! Trust yata at confidence and belief sakin ang foundation nung suggestion na yun kaya ayun, go agad me.. Aba! From makifiesta to judge.. Wutduh! Auz ah!
The following day, sabado ng umaga, July 26, 2008, aga din naming nagising uli. Pagkatapos chumibog ng breakfast, tinginan uli. Taz proceed na sa Jose Reyes Memorial High School para mag practice ang Beatboiz ng Intermission at para malaman na rin kung may mga dumating ng participants sa ShowDance. Alam nyo po kasi, si Ninong lang ang Financier at over-all chairman pero ang Beatboiz ang my idea nun.
Pagdating namin dun sa skul, may nagpapractice na. Auz.. Eto na probs kasi ma lettering na kami nung para sa backdrop ng stage. Hahaha alang marunong. Ayun, tiwala uli sakin (o binola lang ako at nagpabola naman), saken pinapagawa. Ako naman, para di mapahiya at syempre yaka ko naman talaga eh, sinimulan ko na. Si jade naman nakakita nung Nike Jordan na drawing. Dun sya nakakuha ng edeya sa figure na pandagdag sa design.
Banda alas onse y media nung pumunta na kami sa LGU open stadium kung saan gaganapin yung pakontes. Design ni idol_john2x yung curve tas sa gitna yung drawing. Sabi ko naman, dagdagan namin ng petsa "07.26.08" para yung magtiteyk ng picture, kuha pati date kung kelan ginanap yun. Halos magwawan oclock na kami natapos. Uwi kami haus nina idol_john2x to eat lunch. Pinicturan pa kami ng Tita nyang galing germany na pauwi na rin nung July 28, 2008.
In the afternoon, natuloy na rin sa wakas ang pag practice. Syempre, si jade ang nag picture ng practice para may documentation. Tas, bago kami umuwi sa haus para maligo for the showdance contest, bumalik kami dun sa stage para magpa-picture din dun sa backdrop. Aba, proud yata kami sa kinalabasan nung backdrop design ha.. hahahaha gawa namin yun from our sweats and labor of love. wow!
Nung gabi na, successful ang first showdance. Sobrang dami ng mga nanuod. Adik talaga mga taga bulusan sa dance contest.
Nauna kaming umuwi ni jade sa haus kasi hinatid pa ni idol_john2x si g.F. Magtetwelve midnight na sya nung bumalik. Kaya dun lang kami nagsimulang mag redhorse. Kwentuhan to walang sawa kami hanggang maubos ang red horse at about 3AM ng Sunday. Sleep na kami.
Sunday, habang nagkukwentuhan at about 10Am nung magyaya na si Jade to go home. Surprised talaga ako pero gaya nga ng nakagawian na, the element of surprise ang nakakapagpaexcite sa mga lakad namin. Kaya, go na kami. While driving malapait sa Dancalan beach, hahahaha, nag ehmo si Jade. Mis na daw nya agad si Idol at yung happenings..
Ayun, tapos ang kwento. Auz di ba? Fiestahan goes organizer goes inhabitants... Wutduh! AT least may naikwento na naman ako sainyo na sarap sariwain. Hahahaha
By the way, iniinvite uli kami for Semestral break ng mama ni idol_john2x.. Hmm, mahirap mangako eh kaya titingnan na lang.. Sana matuloy... heheheh
Love you all. Love you dragonfly.