Ang hirap ng sitwaxun eh. Di ko matanto kung ano ang dapat kong isipin at gawin. You are so unpredictable. Minsan from out of nowhere, darating ka. Tas minsan naman kung kelan kita ineexpect na darating, ala naman. Kakainis ka na ah. Porke alam mong mahal na mahal kita at mukhang di ko talaga makakayang iwanan mo at mamuhay akong ala ka.
Minsan an saya saya ko kasi parang feeling ko mahal mo na rin talaga ako. Napapaniwala mo ako ng lubusan. Kaya ako naman, sine-savor ko talaga ang bawat sandaling ito. Kay sarap kasi nga eh. Kaso, para kang bulalakaw na ura-uradang dadaan sa gitna ng dilim na gabi at gugulantangin an katahimikan upang magdulot ng galak at tuwa sa puso. Kung kelan aakalain kong tatagal ang ganitong klaseng pakiramdam, saka ka naman biglang maglalaho.
Minsan pa, ipaparamdam mo saken na mahalaga ako sayo. Pinapakita mo saken yun sa kislap ng mga mata mo. Sadyang bukal sa kalooban mo ang mga sinasabi mo saken. At ako nama'y napapaniwala mo. Magsisimula akong namnamin ang kakaibang pakiramdam na ito. Pero, sa lumaon, gaya ng dating gulong ng samahan nating dalawa, biglang mararamdaman kong para mo lamang akong binibitag. Napapanganga tuloy ako't napapaisip. Ako ba'y nililinlang mo lamang? Nakapagdududa tuloy ako sa intensyon mo.
Ang hirap kasi di ko talaga ma settle ang isyung ito tungkol sa ating dalawa -- yung tungkol sa ating dalawa dahil hindi ko makumbinsi ng lubusan at sa lahat ng pagkakataon ang sarili ko na natutunan mo na rin akong mahalin. Basta, ang alam ko, kaya ako nagkakaganito ay dahil sa tunay nga ang nararamdaman ko sa iyo. Pero, sa dulo ng bawat araw na lumilipas, naiisip at naitatanong ko sa sarili ko -- ako ba ay natutuliro lamang? Masyado lang ba akong nag iisip? Ako ba ay tama o mali?
Sana sa lumaon ay makuha ko ang kasagutan sa mga katanungan kong ito. Minsan kasi nakakaapekto sa mga desisyon ko ang puntong ito eh. At kahit ano pa man ang kasagutang ito, gaya ng ipinangako ko sayo, di kita iiwan. Lagi akong nandirito para sayo hangga't sa tingin mo'y kailangan mo ako..
Ingat ka lage.. Hanggang sa muli nating pagkikita at pag-uusap..
Salamat sa ganitong mga sandali..
God bless you, my dearest dragonfly..
Tuesday, July 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment