Monday, October 20, 2008

tanung sa bisperas ng birthday ko

ika 20 ng Oktubre 2008; 8:59 PM


siya ang tinuturing kong pinaka.close ko ngayon.

siya na laging laman ng isip ko.

siya na sa bawat sandaling dumadaan, laging umuokupa ng panahon ko.

siya na laging nagpapasaya saken.

siya na itinalaga kong kasangga.

siya na tagapagbigay ng galak sa aking puso.

siya na sa tuwi-tuwina’y nagpapalundag sa puso ko.

siya na sa lahat ng pagkakataon ay gusto kong

makasama

maka jamming

makausap

makahalkahakan

siya na nagbubuklod sa aking tagumpay at gustong makamit

siya na nagbibigay sa akin ng rason upang patuloy na magpursige

siya na sa likod ng aking kakulangan ay patuloy na umiidolo sa akin.

siya na gusto kong makasama sa aking kaarawan.

siya na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay sa akin ng rason

upang ipagdiwang ang bisperas ng aking kaarawan.

Bakit? Sapagkat sa araw ng aking bertdey, may iba pa akong kaibigan na aming makakasama.

Samantalang, ang pagdiriwang ko sa bisperas ay para lamang sa aming dalawa upang ipagdiwang namin ang simunpaang walanghanggang tunay na pagkakaibigan.

Subalit, bakit ganun? Ala siyang panahon. Sabi nya sya ay mag eenhasyo ng kanilang numero na kanilang ipapalabas bukas dun sa kanilang paaralan. Oo nga sana, napaka tama o balido ng kaniyang rason. Buong puso kong inunawa ang kaniyang dahilan upang di matuloy ang aking pagdriwang sa bisperas ng aking kaarawan.

Ok na sana ang lahat kaso ng ako ay nag internet, nakita kong banda alas dos ng hapon na siya ay nag iinternet. Banda alas sais sya ay nag iinternet. Hay, ano nga ba ang tunay na dahilan?

Ang tanong ko ngayon, siya ba ay karapat-dapat kong bigyan ng ganitong pagpapahalaga o hindi? Tama kaya ang naglalaro sa aking isip? Siya na mismo ang nagsabi — derechahan.. Honest to goodness.. Eto, ginagawa ko na.

Kung ako ikaw, ano ang gagawin mo sa ganitong klaseng kaibigan mo?

Salamat sa pagbasa ng aking blog. Maligayang bati na lang sa akin sa araw ng aking kapanganakan.

sa muli,

-=(dragonfly)=-

No comments: