Hirap sayo kala mo porke ambait ko sayo kaya mo na akong paikutin. Tuloy napupwersa akong pag-aralan ka. Galaw mo, text style mo, pagsasalita mo, pananamit mo, routines mo, gimik mo.. Lahat, kinalikot ko na ng di mo man lang namamalayan. Kasi ba naman may mga instancesn a na nagkakarun ako ng pagdududa sayo lalo na sa intensyon at sinseridad mo.
Style ko talaga to. Akin lang. Yunik na sistema ko. Ayoko yatang pagkatapos ng lahat lahat eh ako ang maghihinagpis (huh, maghihinagpis daw ho, nosblid ako sa lalim ng tagalog na to.. ahehehe) Pero syempre, di ko naman inisip na maging kumpetisyon ito between you and me kasi nga, sa totoo lang, gusto talaga kitang maging kaibigan for life. For life ha ayoko ng temporary lang. Kaya nga lahat na yata ng pagpapapansin sayo ay ginawa ko na.
Newei, sana lang naman tingnan mo ang mga pinagsamahan natin. O baka naman eh ako lang pala ang nakisama at ikaw naman nakiride lang saken at napaniwala mo naman ako dahil lang sa sadyang kailangan mong gawin yun para makaungos sa kinasasadlakan mo. Sus, ano ba tong tagalog ko at ke lalem lalim eh.
Pero sa totoo lang, dapat kong aminin sayo na lahat ng mga oras na magkasama tayo, na magkalapit tayo, na nagkakaparinggan tayo ng tunog ng mga boses natin at nakakapagpalitan ng kuro-kuro o opinyon eh trineshur ko talaga yun. Lahat, pati yung mga text mo sineyb ko sa folders sa cellphones ko. Kasi, sarap mong kasama. Lagi mo akong napapaisip ng kung anu-anong bagay. Marami din akong natututunan sayo. Kaya nga na realize ko na importante ka talaga saken. Minsan nga, pag ala me magawa, binabasa ko mga text mo tas parang naririnig ko boses mo habang sinasabi mong mga yun.
Kaso naman bakit bigla ka na lang parang bulang naglaho? Dati, regular ang texting natin, ang pag communicate mo saken. Minsan nga, dahil sa sobrang busy ko, bigla na lang tutunog ang CP ko tas mababasa ko ang pag ahem mo. Uy, natutuwa yata ako nun ha. Sobra kasi parang filing ko mahalaga rin ako sayo, na namimis mo rin ako. Pero sa totoo lang, kahit minsan di ako nakakatex sayo ng una eh sinasariwa ko pinagsamahan natin. Napapangiti kasi ako nun. Basta, kasi ba naman, may mga kaya kang gawin na gusto ko rin sanang gawin kaso di ko naman kaya kaya parang nakikita ko na lang sarili ko sayo. Eto nga siguro ang dahilan kung bakit ako nagagalak sayo.
Ngayon tuloy, eto ako. Filing ko ay pinasasakay mo lang ako kasi mga isang linggo kang di magpaparamdam tas kahit na itex o i miskol kita, ala ka pa ring reply. Then biglang tutunog ang CP ko kahit na past eleben na ng gabi tas mababasa kong nag text ka. Karaniwan pang sasabihin mong kakalod mo lang at nung di ka naka-reply eh ala kang load. Eh, alam ko namang nakatex ka sa iba. Pero, eto, ako naman, reply agad kahit na antoks na talaga kasi ayokong maramdaman mo na di ko pinahahalagahan ang tex lalo na ang effort mo. Pero, siyet naman, yun pala di ka naman magrereply. Tas sasabihin mo, nag expire unli mo? Hoy ano ba naman, tanga ba ang tingin mo saken. Hmm, oo minsan talaga tanga ako este nagtatanga-tangahan lang talaga.
Repasuhin mo naman muna ang script mo para di mahalatang nagpapalusot ka lang kasi kakainis. Minsan nga, dahil sa sobrang inis ko sayo para di na ako ma tempt mag text o mag miskol sayo, denilit ko talaga numbers mo. tas bigla kong narealize, siyet, may mga messages ka palang nakaseyb sa folders ko. Kaya tuloy, ayun, di na kumpleto text repartee natin kasi dinelete ko yung unang tatlong 300 message-exchanges natin from the first time na nagtext ka saken. Nagsisisi man ako, pero papano pa, ala na eh. Di ko na ma-retrieve yun. bye bye na dun sa mga messages na yun forever.
Hoy, ano ba naman? Ano ba talaga likaw ng bituka mo? Bakit mo ba to ginagawa? Pinapaikot mo ba ako? Sinsir ka ba talagang maging kaibigan ako? Ay naku, kung di lang naman, wag na. Ganito naman talaga ang buhay eh. People come and go at maaari ngang isa ka na dun. So, hello and goodbye na lang. Kasi, mas mahirap sa parte ko na mas manaig sakeng memory ang inis sa pinaggagagawa mong pag take for granted saken kesa dun sa byutipul memories natin.
Nasa sayo ang kasagutan nyan. Di kita pipiliten kasi kanya-kanya bago tayong choices at plano sa buhay. Basta ako ngayon, kung mag connect ka, fine. Kung hindi naman, ok lang. Di naman ako pinanganak na kasama ka, di ba? Pero mas ok naman talaga sana kung maging true friends tayo for life. Ya hala na, the ball is in your hands. Bahala ka na kung saan mo ibabato yan o ipapasa.
Newei, thanks pa rin. At least, you became part of my layp. Ahehe! God bless you always. Ingat po palage ha
Wednesday, May 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment