hay buhay.. kala ko nung unang dating ko dun sa lugar na yun, mabobor lang ako. kala ko, ala akong magagawa dun. kala ko alang matinong pwedeng makausap or makaklos man lang. kala ko madali kong makakalimutan ang lugar, mga tao at pati na mga insektong lalo na yung mga "kulibobog" na yun na lipad ng lipad galing sa mga puno ng mangga.
Kakainis, di pala. mali pala ako. Maling mali. Lahat ng inakala ko, talagang mali.
Una sa lahat, ngayon ko lang naenjoy mag travel sa plane kasi kasama ko buang kong kaibigan na si itit. she made my journey to and fro dumaguete and manila really exciting. kami lang yata naririnig dun sa plane -- tawanan, kwentuhan at kung anu-ano pa.
Lahat ng pwedeng picturan, pinicturan ko na talaga. Kung pwede nga lang pati mga uod dun pinicturan ko na rin. I wanted kasi to have a vivid picture of the place and the people i've met. Saya di ba pag after like 50 years (ganun?) masasariwa ko ng maigi ang experience ko na to? my first travel to negros (err, dumaguete pati na sa valencia at first stay ko sa Balud resort)
Thanks to the very hospitable family of ate alena and kuya dex. Ate at kuya daw oh.. aheheh Xempre, pati na rin sina mr and mrs icao, nanay at tatay ni ate alena. ate na namen daw oh.. hekhek Mam Icao, salamat sa masarap nyong gawa na manggo shake. Di nakakasawa. You are too good to be true po. At salamat din po sa duyan under the manggo trees, sa swing at sa bilyaran nyo. Wow, for the first time, nanalo ako. Pumasok ba naman agad ang ball #9 nung paghit ko sa ball#1. Wow, pabanda yu ha. Hmm, ngayon ko lang narealize, that's something to celebrate about. Punta tayo mcDo, burger ba! hekhekhek
Hmm, eto pa, sarap ng beer dun. Great move. Great beer. Jet li ba ang dating. Uy fetus na kuya elmer, salamat sa mga jokes nyo ha pati na rin dun sa tatlo mo pang fella waiters. Kung sino man kayo, bahala na kayo sa buhay nyo este thanks pala.
Yung mga naglilinis dun at naghahanda ng breakfast namin especially yung hot coffee - may three-in-one na iba-ibang brands.. kaso nga lang black coffee talaga gusto ko eh.. no sugar and cream at isang kutsaritang nescafe.. uy, one moment, one nescafe and drama ko.. Newei, salamat po to the max senyong lahat.. SUper linis tinirhan namin dahil din senyo. Pati yung T-haus, yung siwol, yung pentagon na upuan under that, again, manggo tree. Hayst! miss ko talaga kayo.
Hmm, kuya RR, kaw ha, pasimple ka pa dun sa pagchansing mo kay ate kim.. aheheh joke lang po. Thanks din sa pag drive mo samin mula airport hanggang dun sa haybol nina fiscal icao.
Hayst.. sobrang dami ng memories ko dun kaya nga ngayon pa laang eh atat na atat na akong bumalik dun... Suya, 4 days lang vacation ko. aba! mahal yata plane tickets noh pati na yung bus at tricycle. Ahh, i remember that tricycle driver na taga dumaguete na nedenggoy kami ng P400 sa arkila ng trike nya. Eh, kalapit lang ng lugar na pinagmanehuan nya. P15 pesos lang pala per person bayaran dun. 5 kami so dapat max na ang P75 pesos. Newei, manong naniniwala ako sa karma. Pray na lang kita kay Kuya Jesus.
Tas yung ano pa pala, yung tanawin dun. Wow, sa lahat i enjoyed the site in Forrest camp. Ganda parang hundred islands na mga pool. Sarap sigurong maligo dun. Naku kevin, enjel, josh, dazzle at jesika, wag u na akong inggitin. DI talaga me pwedeng maligo ng oras na yun dun kasi baga aalis kami ni itita pabalik ng manila ng 2PM eh magbibihis pa etcetera etcetera. Pero, may pictures naman di ba. Besides, nakapaglibot kami sa lugar na yun ni ate kim. hekhek
Speaking of Kevin and Ate Enjel, sus, kayong dalawa ha, pa shy pa kayo. Eh, shy na nga ako dinagdagan nyo pang dalawa. Ayan tuloy, di natin na enjoy ang companies natin kasi nagpapakiramdaman pa. Ngayon tuloy, eto miss ko kayong dalawa lalo pang the two of you are very nice kiddos. huhuhu salamat na lang at my YM at friendster. Ahem, nice to meet you palang dalawa. Yan ang hirap sa meeting new friends eh, makakaklose mo lang sila kung kelan pauwi na. tsk tsk tsk. Ey, happy birthday to Tita Anne ngayong araw, May 28.
Salamat din sa Local Government Unit ng Dumaguete, pati ba naman to? hahahha dahil sa pag gawa nyo nung napakalinis na bolebard at pagtanim nuong mga acacia; pati na rin dun sa paglagay nyo nung estatwa ng mga st. paul sisters. pati na rin dun sa Bellfry na sikat na landmark ng dumaguete; dun sa may ari ng Jo's Chicken Inato na kinain namin pati na yung nilagok na pineapple-carrot shake na sarap talaga. Ah, dun pa pala sa bakeshop na binilhan namin nung torones di mani, cay-cay (ah, especial to) at peanut brittle.. Muntik ko ng makalimutan yung siopao na an sarap din.
Salamat din dun sa guard ng silliman university. Nakupo ate, thanks sa sobrang bait mo samen. Pinapasok u kami kahit ala kaming ID. You are one in a million guard. Xempre naman nasa mukha namin na sadya kaming pwedeng pagkatiwalaan ba day! aheheh nakapagpapicture tuloy kami dun sa oldest building nyo, sa UN area at sa The Bell not to mention of course na naki-ihi rin kami sa cr dun sa alumni building nyo. hehehe
Sa mga mababagal na salesladies ng Lee SUper Mall, mga day, mababait talaga kayo pero pwedeng magawan nyo ng paraan na pabilisin pagkilos nyo. kasi ang haba haba na ng pila ng magbabayad sa counter eh... Peace man Peace! Newei, mura ang Dumaguete Souvenir tshirt nyo ah. Pinakamura sa buong Pinas! AT pati na yung nadagdag sa kolexon ko na sumbrerong Puma na brown...
AT higit sa lahat, can you imagine a place na super busy ang traffic pero alang aksidente kahit na ala ring traffic enforcers at traffic lights. Wow, pare, bigat ng system nyo. Epektib na epektib sana magawa rin namin yang disiplina nyo dito sa sorsogon at sa iba pang parte ng Pinas. hehehe
And finally, I thank God for such a wonderful opportunity na binigay mo sakin. Lab you God. Lab you all...
Oh, inggit kayo? hmm, wag na. Pumunta rin kayo dun tas iblog nyo rin. pex man. Di kayo magsisisi. In lab na nga talaga ako eh sa dumaguete.
No comments:
Post a Comment